Linggo, Hulyo 24, 2011

Ang Aking Pamilya


                                               " ANG HALIGI AT ILAW NG TAHANAN"

                Sila ang aking mga magulang na si Remus Tolentino ang aking papa na palabiro at palatawa at Julie Tolentino ang aking mama na matampuhin at masayahin.Para sa akin ay sila ang pinakamasipag sa lahat ng magulang ngunit sa dalas ng trabaho nila ay minsan nalang kaming magkaroon ng tinatawag na "family bonding".Pero alam ko na ang ginagawa nila ay para sa amin din.Hindi man sila sila nakapagtapos ng pag-aaral ay naitaguyod naman kami ng maayos dahil sa galing sa diskarte sa buhay.



      Ito naman ang aking ate na si Rinalyn Tolentino,siya ang panganay sa aming apat n magkakapatid Ipinanganak siya noong March 11.Siya ay nakatapos ng kursong nursing sa WUP.Siya ay masipag , matyaga at maalagang kapatid.Kasalukuyang siya ay ngtratrabaho sa Center ng Muñoz.Nakakuha nadin siya ng ekspirsyensya sa pagtratrabaho sa hospital sa PJG.Pag dating sa gawaing bahay ay talaga namang maaasahan mo siya.



         Ito naman ang aking ate na si Jovelyn tolentino,siya ang pangalawa sa aming magkakapatid.Ipinanganak siya noong Hulyo 27.Siya ay nakatapos ng kursong BS BA major in management sa Central Luzon State University.Palatawa at masayahin yan ang nangingibabaw sa katangian niya kung tumawa ay akala mo wala ng bukas.Ngunit madalas wala sa mood kaya masungit siya.Kasalukuyang ngtratrabaho siya ngayon sa kompanya ng GG & G.


           Ito naman ang aming bunso na si Regine Tolentino.Ipinanganak noong Disyembre 12.Kasalukuyan siyang nag-aaral sa San Sebastian School bilang 1st year high school.Masayahin,makulit,at pagkamasungit ang nangingibabaw sa kanyang katangian.Mahilig siyang manood ng TV at mg surf sa net.

Sabado, Hulyo 23, 2011

Ako si MAT


            Palatawa at palabiro ngunit madalas seryoso.Ilan lamang yan sa katangiang taglay ko.Ako si Mark Anthony Tolentino , labing ptiong taong gulang.Nakatira sa Science City Of Muñoz Nueva Ecija.Ipinanganak ako noong ika-labing isa ng disyembre taong isang libong siyamnaraan at siyamnapu`t apat.Ako ngayon ay kolehiyo at nag-aaral sa Central Luzon State University at kumukuha kursong BS IT.

            Pangatlo ako sa aming apat na magkakapatid at ako nag-iisang lalaki.Nakaranas ako ng kaunting karangyaan at nakatapos ako ng elementarya at hayskul sa pribadong paaralan.Madalas hindi ako nakikipaghalubilo sa ibang tao sapagkat ako ay mahiyain.Ngunit pag dating na sa aking mga kaibigan ay doon lumalabas ang aking pagkamaingay.Ako ay nahihilig sa mga laro lalo n sa computer games tulad na lamang ng DOTA at Ran Online.

         Tulad ng isang normal na kabataan,minsan na rin akong humanga at minsan naring nasaktan at nabigo.Ngunit hindi iyon ang magiging dahilan para makasira sayo.Mahilig akong kumain  hindi lang halata sa katawan ko.Gustong gusto kung kumakain ng matatamis na pagkain dahil siguro noong bata palang ako ay yoon na ang nakasanayang kainin.


                Pangarap kong makatapos ng pag-aaral at maging matagumpay.Gustong kong magkaroon ng simpleng pamilya at simpleng buhay.

PANALO !

                  Sa hindi sinasadyang pagkakataon hindi ko naman talagang intensyon matutunan ang dota ngunit subalit sa bawat shop na mapuntahan ko ay lahat ay naglalaro ng DOTA eka nga nila nawawala kana sa "USO".Sinubukan kong maglaro noong una nagtataka ako bakit wala akong herong kalaban eh ang alam ko pued akong maglaro ng magisa noon pala "6.69c" map ang gamit ko. ( HAHAHA noob) Nagtanung ako sa mga kaibigan ko noon kung bakit ganun ayun nga :)) dapat pala ay yung my "AI". ( HAHAHA) At sa wakas alam ko na nga ang dapat gawin kumalaban ako ng "AI insane" ayun na nga ang aking unang pagkatalo XD. Nagtataka ako kung bakit yung ibang players ay madali lang itong tinatalo.

                  Pag tungtung ko ng kolehiyo eto na ang mga naging kaibigan ko ay adik sa DOTA sila ang nagsilbing MENTOR ko eka nga.Yung iba lolokohin kapa at uutuin dahil hindi mo alam ang dapat gawin.XD Hindi ko makakalimutan noon yung isa kong barkada ang gamit niya noon ay Furion nagtataka ako noon kung paano napupunta s aiba't-ibang lugar yun nag ganun kabilis ang sabi niya sakin TP lang daw yun ako naman si noob tinesting at ayun nga sa tore lang nag inabot (HAHAHA).Simula noon ng aral ako ng dota ng mabuti , nagsimula ang pagka.adik ko sa dota hanggang madaling araw ay naglalaro padin.

                    At eto na nga ng resulta ( HAHAHA ) hindi naman kagalingan hindi narin kanooban at kahit papapano tumatalo na ako ng mga ang turo sakin at dun ko naranasan ANG UNANG TIKIM NG TUNAY NA PAGKAPANALO. (HAHAHAHA)