Sabado, Agosto 13, 2011

SI P-NOY PARA SA MGA PINOY

                        Isang taon at mahigit pa lamang ang nakakalipas simula ng si P-NOY ay umupo bilang presidente ng pilipinas.Maraming nagsasabi na nagkamali sila ng ibinoto sapagkat parang wala tayong nararamdaman na pagbabago.

                        Ngunit para sa akin ay hindi pa natin dapat husgahan ang ating presidente maaring wala pa tayong nararamdaman na ginagawa niya sapagkat sa nakaraaang taon ang administrasyon ng dating pangulo na si Mrs.Gloria Macapagal Arroyo ay madaming katiwalian na ginawa niya na siya naman ngayon pinipilit ayusin ng ating pangulo.

                       Sana lang sinasabi niyang kung walang corrupt walang mahirap ay kanyang matupad.Sana sa mga susunod pang taon niya bilang pangulo ay magampanan pa niya ng tama ang kanyang tungkulin at wag masilaw sa kayamanan.

ANG AWIT NG AKING BUHAY

                          Ang awit ng Rivermaya na Umaaraw Umuulan ang awit ng aking buhay dahil sinasabi sa kanta na kahit anung problema o kamalasan ang dumating sa iyong buhay ay malalampasan mo rin.Kailangan lang ng tiyaga.My panahon na tayo`y hari na maikukumpara ko ngayon sa kin at kung dumating man ang araw na ako`y madapa ang kantang ito ang aking magiging inspirasyon para labanan ang problemang iyon.Lahat ng problema ay may solusyon dahil balang araw sisikat din ang araw para sayo.


Umaaraw Umuulan


Hindi mo maintindihan
Kung ba't ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan, ngunit

Kaibigan
Huwag kang magpapasindak

Kaibigan,
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring mangyayari
Tayo'y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/r/rivermaya/umaaraw_umuulan.html ]
May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan

Wag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi
San' dambuhalang kalokohan

Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay

Kaibigan,
Wag kang magpapatalo
Kaibigan,
Itaas ang noo

Lunes, Agosto 8, 2011

SAMPUNG TAON MULA NGAYON HETO NA AKO!

                  Madalas sumagi sa aking isipan na sampung taon mula ngayon anu na nga ba ang mararating ko?Isang tanong na walang kasiguraduhan kung anu ang mangyayari sa hinaharap ngunit ang aking mga pangarap ay pilit kong aabutin upang masagot ko ang tanong na iyan.

                    Sampung taon mula ngayon ay isa na akong tagumpay na businessman.Pangarap kong yumaman para sa pag dating ng panahon masuklian ko ang ginagawa ng aking mga magulang para sa akin.Ipaparanas ko sa kanila ang pinaparanas nila sa akin ngayon na kahit papaano ay may karangyaan.Sampung taon mula ngayon ay may masaya na akong pamilya.Sampung taon mula ngayon ay may malaki na akong bahay at magarang kotse.





Linggo, Agosto 7, 2011

Ako Bilang Isang Bagay




                  Ako bilang isang bagay ay maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang libro.Hindi ko mo mahuhusgahan sa aking panlabas na anyo bagkus kailangan mo aking kilalanin mabuti ng malaman ko ang tunay na ako tulad na lamang ng isang libro na kahit na luma na ay my natatago padin sa kalooban.Tulad lamang din ng ibang libro maaring mo akong hingan ng mga payo o kung ano ang dapat gawin mong gawin.Maluman man ang libro ay mananatili itong matatag at dadating ang araw na muling sisikat.


Si Crush


      Ang aking crush ay walang iba kundi ang aking girlfriend na si Sarah Angelie Fernandez.Nakatira siya ngayon sa San Carlos Pangasinan.Isang babaeng simple na my simpleng pangarap..Para sa akin ay maituturing ko siyang isang prinsesa.Prinsensa na mapagmahal lalo na sa kanyang pamilya.Hinahangaan ko siya dahil sa kanyang kabaitan at syempre kagandahan.Lalong lumalabas ang kanyang kagandahan sa tuwing siya ay ngumingiti.